
Nagtagumpay ang dance star duos na maipagmalaki ang kulturang Pilipino sa Stars on the Floor sa pamamagitan ng pagsayaw ng iba't ibang Philippine folk dances noong Sabado, September 13.
Sa kauna-unahang double win ng dance star duos, ginulat ng dance authorities ang viewers nang tanghalin sina Rodjun Cruz, Dasuri Choi, VXON Patrick, at Kakai Almeda bilang 10th top dance star duos matapos mag-tie ang kanilang scores.
Sila Rodjun, Dasuri, Patrick, at Kakai rin ang nagharap sa dance showdown, ngunit pareho silang naging kahanga-hanga sa lahat nang ipakita ang husay at talento ng isang Pinoy.
Nagwagi sina Rodjun at Dasuri sa puso ng mga manonood dahil sa kanilang La Jota Manilenya performance na hinaluan ng popping. Samantala, hindi rin nagpahuli sina Patrick at Kakai sa kanilang Sayaw sa Bangko performance na hindi lang kinabiliban ng dance authorities kundi kinilig din ang mga viewers.
Noong nakaraang linggo, itinanghal na 9th top dance star duo sina Thea Astley at Joshua Decena matapos nilang madala ang dance authorities at viewers sa bansang Brazil sa kanilang dancesport performance.
Abangan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':