
Ibinahagi ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina na plano nilang magka-baby ngayong taon, sa eksklusibong panayam ng 24 Oras sa kanila kamakailan.
Bukod dito, sikat at pinag-uusapan ang mala-masyon nilang bahay sa isang pribadong subdivision sa Novaliches, na anila ay dalawang taon nilang itinayo.
“Grabe 'yung naging journey namin, 'yung two years na 'yon. Kaya talagang nakakaiyak kasi we were able to do it. We were able to pull it off.
“Si Lord talaga lahat 'yun, e. Siya 'yung nagplano nu'n para sa aming dalawa and blessing talaga 'yon.
“Regalo Niya 'yon sa aming dalawa that's why du'n sa third floor na 'yon, we just keep on worshipping, glorifying, and talagang gino-glorify namin si Lord sa lahat ng blessings na natatanggap naming mag-asawa,” paliwanag ni Dianne.
Pero ayon sa kanila, ang tunay na lubusang kukumpleto sa kanilang bahay ang kanilang mga magiging anak.
“Baby? Sana. Pinagpe-pray namin. Nagta-try kami. Sana makahabol this 2020.
“Kahit ang daming mga nangyari sa 'kin, 'yun na siguro 'yung pinakamagandang achievement.
“'Yun 'yung goal ko, maging mabuting tatay sa mga magiging anak namin ni Dianne,” sabi ni Rodjun.
Ikinasal sina Rodjun at Dianne noong December 21, sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, matapos ang mahigit 10 taong relasyon.
Panoorin ang buong 24 Oras report: