
Kasunod ng muling pagpirma ni Rodjun Cruz sa GMA Artist Center, masayang ibinahagi ng aktor na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap.
Si Rodjun ay parte ng cast ng upcoming GMA series na Little Princess. Mapapanood siya rito bilang best friend ng aktres na si Jo Berry.
Kasama rin ni Rodjun sa Little Princess ang mga mahuhusay na aktor na sina Juancho Triviño, Jestoni Alarcon, Angelika Dela Cruz, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, Tess Antonio, Therese Malvar, Kaloy Tingcungco, at Gabrielle Hahn.
Sa isang interview, masayang ikinuwento ng aktor ang kasiyahan nang malaman na siya ang isa sa leading men sa upcoming Kapuso teleserye.
"Hindi ma-contain yung happiness ko. Very grateful ako kasi pinag-pray ko iyan kay Lord. Sabi ko, 'Lord, sana po bigyan Niyo pa po ako ng pagkakataon, bigyan Niyo po ako ng show na magagawa ko po yung gusto ko, na mapapakita ko po yung talento ko at makaka-inspire ako ng madaming tao.'
"So noong tinawag nila sa akin iyong Little Princess, sabi ko, 'Wow, grabe ka, Lord, answered prayer na naman ito!' Naniniwala din kasi ako na birthday gift sa akin ito ni Lord kasi nag-birthday ako noong October, pagbabahagi ni Rodjun.
Abangan ang Little Princess, malapit na sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, tingnan ang family life ni Rodjun Cruz dito: