GMA Logo Rodjun Cruz Rayver Cruz and Alden Richards
What's Hot

Rodjun Cruz, gustong makatrabaho sina Rayver Cruz at Alden Richards sa isang serye

By Aimee Anoc
Published November 27, 2022 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz Rayver Cruz and Alden Richards


Ayon kay Rodjun Cruz, "Mas madaling makatrabaho sila kasi at home na kami sa bawat isa."

Nananatiling proud Kapuso si Rodjun Cruz matapos na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.

Sa interview ng GMANetwork.com, nagpapasalamat si Rodjun sa halos isang dekadang patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Kapuso Network.

"Overwhelmed ako, thankful din ako sa Sparkle and GMA Network family ko sa continues trust nila sa akin. S'yempre almost 10 years na rin ako rito, mag-iisang dekada na rin ako sa GMA, nagpapasalamat ako sa love na ibinibigay nila sa akin, support, at sa mga ibinibigay sa akin na magagandang projects na nag-grow ako as an artist," sabi ng aktor.

Rodjun Cruz

Looking forward naman si Rodjun sa mga susunod na proyektong gagawin sa GMA, matapos ang success ng Little Princess.

"Actually excited ako, gusto ko 'yung ginugulat na lang ako. Syempre thankful ako, itong year na 'to nakuha natin 'yung 'Little Princess' and naging hit naman 'yung show, so looking forward ako next year sa kung anuman ang proyektong ibibigay nila sa akin.

"Kasi ako excited ako sa mga challenging roles and kung ano 'yung ibigay sa akin ng GMA, pinagbubutihan ko kasi thankful ako na hindi nila ako pinapabayaan."

Kung mabibigyan naman ng pagkakataon, nais ni Rodjun na makatrabaho sa isang serye ang kapatid na si Rayver Cruz at ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.

"S'yempre gusto kong makatrabaho ang brother ko, si Rayver, si Julie. Nagkasama na kami sa mga variety shows pero hindi pa kami nagkasama sa mga teleserye," kwento ni Rodjun.

Dagdag niya, "Si Alden barkada ko, close friend ko rin talaga 'yun pero hindi pa rin kami nagkakasama, sa mga guestings lang, pero syempre gusto ko silang makasama sa mas mahabang show, sa series talaga."

Ayon kay Rodjun, dream niyang makasama si Rayver sa isang fantaserye o action series. Aniya, "Kasi mas madaling umarte kapag kasama ko s'ya dahil syempre magkapatid kami so 'yung mga emosyon madali naming mararamdaman. Feeling ko kapag nagkasama kami hindi namin mararamdaman 'yung pagod.

"Ganoon din si Alden kasi parang kapatid ko na rin 'yan. Mas madaling makatrabaho sila kasi at home na kami sa bawat isa. Kaunting adjustment na lang sa mga roles namin pero feeling ko kapag makasama ko rin 'yan puro kulitan everyday, na hindi namin namamalayan na nagtatrabaho kami."

TINGNAN ANG MASAYANG BUHAY NI RODJUN CRUZ SA GALLERY NA ITO: