GMA Logo Rodjun Cruz and Ashley Sarmiento MAKA Stalker episode
Photo by: ashleysarmiento_ (IG)
What's on TV

Rodjun Cruz, bilib sa husay ni Ashley Sarmiento sa 'MAKA' Stalker episode

By Aimee Anoc
Published April 15, 2025 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Ashley Sarmiento MAKA Stalker episode


Nagkatrabaho sina Rodjun Cruz at Ashley Sarmiento sa "Stalker" episode ng 'MAKA Season 2.' Papuri ni Rodjun sa aktres: "Proud of you, Ash! Galing mo!"

Pinuri ni Rodjun Cruz ang husay ni Ashley Sarmiento sa "Stalker" episode ng MAKA Season 2 na napanood noong Sabado, April 12.

Binigyang spotlight si Ashley para sa ikalabing-isang episode ng MAKA Season 2 kung saan nagkaroon ng special guest appearance si Rodjun Cruz kasama si Thea Tolentino. Sa loob lamang ng isang-araw, agad na nakakuha ng mahigit 10 million views online ang episode na ito.

Intense ang mga eksenang napanood sa MAKA Season 2 episode 11 kung saan muntik nang malagay sa peligro ang buhay ni Ashley dahil sa kanyang stalker na si Tonio (Rodjun).

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Ashley ang ilang behind-the-scenes mula sa set ng MAKA, at ang eksena kasama si Rodjun.

A post shared by Ashley Sarmiento (@ashleysarmiento__)

Nag-iwan ng komento si Rodjun sa post na ito ni Ashley, "Proud of you, Ash! Galing mo!"

Nagpasalamat naman si Ashley sa aktor, "@rodjuncruz thank you po hehe! So fun working [with] you po."

Panoorin ang MAKA Season 2 episode 11 sa video na ito:

Abangan ang MAKA Season 2 tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA ASHLEY SARMIENTO AT MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: