GMA Logo Rodjun Cruz and Dasuri Choi
What's on TV

Rodjun Cruz, may emosyonal na tribute dance para sa kanyang yumaong ina sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published September 26, 2025 1:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Dasuri Choi


Naging emosyonal si Rodjun Cruz nang ialay niya ang kanyang performance sa 'Stars on the Floor' para sa kanyang yumaong ina, kasama ang ka-duo niyang si Dasuri Choi.

Binaha ng emosyon ang September 20 episode ng Stars on the Floor dahil sa tribute dance ni Rodjun Cruz para sa kanyang yumaong ina kasama ang kanyang ka-duo na si Dasuri Choi.

Sa konseptong “sadness,” hindi napigilan ni Rodjun na maging emosyonal dahil inalala niya ang kanyang ina na para bang muli niya itong naisayaw makalipas ang mahabang panahon.

Pagkatapos ng kanilang performance, ikinuwento ni Dasuri na naging mahirap para sa kanila ang i-perform ang kanilang piyesa dahil sa hindi mapigilang emosyon.

“Napakahirap kasi nadala ako sa emosyon ni Rodjun. Whenever we practice, talagang hirap, ayan na 'o, umiiyak, lagi kaming naiiyak sa practice kaya it's really hard to focus on dancing,” sabi ni Dasuri.

Sa gitna ng pagbabahagi tungkol sa kanilang performance, naging emosyonal din ang host na si Alden Richards na naka-relate sa nararamdaman ni Rodjun.

Aniya, “Dinaanan ko din 'yan. Ang tapang ng performance for you to do this.”

Nagpasalamat naman si Rodjun kay Dasuri dahil nagsilbi itong lakas ng loob niya, lalo't aminado siyang natakot siyang gawin ang performance.

“Actually, thank you kay Das kasi pinapalakas niya 'yung loob ko kasi noong una talaga, natakot ako gawin kasi ang hirap 'e kapag nandito ka sa emosyon na ito, mahirap pigilan kasi sobrang love na love ko 'yung Mama ko and miss na miss ko siya every day, hindi ko pinapakita kasi gusto ko lang mag-enjoy,” pahayag ni Rodjun.

Mabigat man ang emosyon, sinabi ni Rodjun na iniaalay niya lahat ng kanyang ginagawa para sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina.

Dagdag pa niya, “Alam ko proud siya sa aming magkakapatid, sa amin ni Rayver at Kuya Omar, tapos mabuting asawa ako at ngayon mayroon na siyang apo si Joaquin at Isabela so kung gaano niya kami pinalaki, ganoon ko papalakihin 'yung mga anak namin. Mahal na mahal ko 'yung nanay ko, para sa kanya 'tong dance na 'to na nakagawa ako ng isang sayaw para sa kanya, parang damit 'to ni mama, parang nasayaw ko siya ulit ngayon.”

Nagpasalamat din siya sa kanilang coach na si Coach Airon Jazz para sa napakagandang konsepto ng kanilang performance.

Habang napupuno ang stage ng emosyon, hindi napigilan ni Alden na magkuwento rin ng sakit na kanyang dinanas bilang anak na nawalan ng ina.

“Ayun nga 'e, parang sabi ko, ang tapang masyado kasi when you lose a parent, it feels like namamatay 'yung kalahati ng buhay mo rin 'e,” emosyonal na sabi ni Alden.

Bagama't naging emosyonal ang performance, ibinahagi ni Rodjun na bonding talaga nila ng kanyang ina ang pagsasayaw. Kaya naman nagpapasalamat pa rin siya dahil naisayaw niya muli ang kanyang ina makalipas ang anim na taon.

Maliban kay Alden, naging emosyonal din ang dance authorities na naka-relate sa performance nina Rodjun at Dasuri.

Pinuri ni Coach Jay si Rodjun dahil nanatili itong disiplinado sa kanilang liftings at movements kahit puno ng emosyon ang kanilang sayaw.

Dahil dito, naalala rin ni Coach Jay ang kanyang ina na naging “number one fan” niya sa pagsasayaw.

Samantala, naka-relate din si Marian Rivera bilang isang anak at bilang isang ina.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Abangan ang mas nag-iinit pang performances nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin dito ang iba pang celebrities na nawalan ng mahal sa buhay: