
"Ang hirap palang maging [ex-boyfriend nina Janine Gutierrez at Lauren Young]," natatawang sagot ni Rodjun Cruz nang tanungin siya tungkol sa kanyang role sa Legally Blind.
Ginagampanan ngayon ni Rodjun ang karakter ni Joel, ang boyfriend ni Grace (Janine) na mayroong secret affair kay Charie (Lauren). Hindi tuloy maiwasan ni Rodjun na maikumpara ang sarili dahil sakto sa real life situation ng dalawang aktres na iisa ang dating boyfriend ang kanyang role.
Pero ayon kay Rodjun, malaki ang pasasalamat niya sa Kapuso network sa pagbigay sa kanya ng bagong challenging na role. "Simula po talaga nung nag-GMA po ako, nabibigyan na po ako ng mabibigat sa roles," saad niya.
Dagdag pa niya, "Noong umpisa, akala ko po [ay] hindi ko kakayanin 'yung role na ibinigay sa 'kin. Kaya sobrang ginagalingan ko sa lahat ng ginagawa ko kasi pinagkakatiwala po nila sa 'kin 'yung role na 'yon."
Subaybayan si Rodjun bilang Joel sa Legally Blind, weekdays pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON 'LEGALLY BLIND':
Janine Gutierrez, totoo na ang mga iyak sa 'Legally Blind' rape scene dahil sa takot kay Marc Abaya