
Sa bawat galaw at bawat hataw, talagang naramdaman ang pusong ibinubuhos ni Rodjun Cruz sa bawat performances sa Stars on the Floor.
Sa exclusive interview ng GMA Network.com, ibinahagi ng celebrity dance star kung gaano siya ka-proud sa mga performance na ibinida nila sa dance floor, lalo na ngayong nalalapit na ang finale ng naturang programa.
"Very proud [ako] sa mga nagawa naming mga dance performances," sabi ni Rodjun.
Hindi rin naitago ni Rodjun ang lungkot dahil mami-miss niya raw ang kanyang ka-duo na si Dasuri Choi.
"Syempre naging emotional na rin ako kasi mami-miss ko si Dasuri, 'yung buong 10 [dance] stars," pahayag niya.
Dagdag pa niya, "Syempre hindi lang kami naglalaban-laban, naging family talaga kami dito."
Maliban sa pagka-proud ni Rodjun sa kanilang nabuong mahihirap na routine at sa kanilang matatag na samahan, inamin din niya na nakatatak na sa kanyang puso ang iba't ibang dance genre na inaral nila kada linggo.
"Mami-miss ko syempre 'yung pag-perform ng malulupit na dance sa iba't ibang genre," sabi ng dancer.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances nina Rodjun at Dasuri sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Abangan ang ultimate dance showdown ngayong October!
RELATED GALLERY: Rodjun Cruz and his effortless charm