GMA Logo Rodjun Cruz
What's Hot

Rodjun Cruz renews ties with GMA Artist Center

By Maine Aquino
Published November 4, 2021 4:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz


Ibinahagi ni Rodjun Cruz kung bakit proud siya bilang isang Kapuso.

Proud Kapuso pa rin ang aktor na si Rodjun Cruz!

Ngayong November 4, ibinahagi ang muling pagpirma sa GMA Artist Center ni Rodjun.

Rodjun Cruz


Sa online interview kay Rodjun ay ikinuwento niya ang kaniyang journey bilang isang Kapuso. Ayon sa aktor, masaya siya sa tiwala ng GMA Network simula nang siya ay maging Kapuso.

"Simula My Husband's Lover pa lang sobrang thankful na ako to GMA dahil lagi nila akong pinagkakatiwalaan. Grateful talaga ako dahil lagi nila akong binibigyan ng opportunity para ma-showcase 'yung talent ko."

Ayon pa kay Rodjun, masaya siya sa mga proyektong ibinibigay sa kaniya dahil nakikita niya ang kaniyang improvement bilang isang aktor.

"Every project na ibinibigay nila sa akin, marami akong natututunan as an artist and siyempre naipapakita ko ito sa lahat," sabi niya.

Para kay Rodjun, mas naging confident siya sa bilang isang artista dahil sa mga roles na ibinigay sa kaniya ng GMA Network.

"Sila 'yung nagbigay sa akin ng opportunity at ng chance na magawa at iba't ibang roles. Masasabi ko na mas experienced ako na aktor ngayon. Mas confident ako sa mga roles na ibinibigay sa akin," ayon sa kanya.

Dugtong pa niya dahil sa mga roles niya sa GMA ay naging inspirasyon siya sa mga tao. “Proud ako na dahil sa mga ginagawa kong roles noon at mga shows na ibinibigay sa akin, marami akong nai-inspire na mga tao."

"Lagi kong sinasabi na as long as may napapasaya ako, as long as may nai-inspire akong tao, hindi ako mawawala dito kasi love ko ang pagiging isang artista."

Para kay Rodjun isa siyang proud Kapuso dahil sa nagagawa niya ang passion niya na mag-perform.

"Dito sa GMA, hindi lang ako umaarte, nagagawa ko rin ang mga gusto ko. Ang mga love namin ni Ray (Rayver Cruz), lumaki kaming nagpe-perform at sumasayaw, kumakanta, nakakapag-host, at siyempre nagagawa ko pa rin ang umarte at gumanap sa iba't ibang roles so doon ako proud talaga. Sa GMA, makulay talaga ang buhay. Lalong naging makulay ang buhay ko," kuwento pa niya.

Congratulations, Rodjun!

RELATED CONTENT:

Rodjun Cruz is feeling grateful at 34