
Looking forward si Kapuso actor Rodjun Cruz para sa panibagong taon na darating sa buhay niya at ng kanyang pamilya.
Ayon kay Rodjun, panibagong oportunidad ito para mas maisabuhay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, na ginagawa niya hindi lang para sa sarili kung hindi para na rin sa two-year-old na anak na si Joaquin.
"Syempre looking forward ako na makasabay ko na s'yang mag-gym, makasabay ko na s'yang mag-basketball. Kaya nga ang New Year's resolution ko rin... kaya ako nagwo-workout kasi mahilig ako kumain, nae-enjoy ko 'yung food,” aniya.
"Pero syempre sa age natin kailangan ko na rin talagang kumain ng healthy kasi gusto ko na habang lumalaki si Joaquin nakikita ko 'yung milestones n'ya at nakakasama n'ya ako na malakas ako.”
Kahit na abala sa kabi-kabilang guestings at taping, sinisiguro pa rin ni Rodjun na hands-on siya sa lumalaking anak.
"Actually, sobrang kulit na ni Joaquin ngayon. Kailangan hands-on ka talaga dahil takbo ng takbo, tumatalon, tapos para s'yang parrot kung ano 'yung sinasabi namin magaling s'yang magsalita at mabilis s'yang pumick up. Ngayon nagsasalita-salita na,” kuwento ng actor.
"Mas masarap lang din s'yang kasama ngayon kasi malambing na. Minsan kapag galing ako sa work, pag-uwi ko, 'Daddy, daddy,' hinahanap-hanap kami ni Dianne. Kaya minsan bago kami umalis sa bahay medyo matagal kasi umiiyak muna s'ya. Pero sobrang happy ako kasi nalalaro-laro ko na si Joaquin ngayon, tapos kahit saan kami magpunta nasasama na namin."
Tulad ng ibang mga ama, challenge para sa aktor ang may ma-miss na moment ng lumalaking anak dahil sa trabaho.
"Actually 'yun 'yung pinaka-challenge sa akin noon, 'yung ginawa namin 'yung Little Princess. Kasi nu'ng time na 'yun strict pa talaga, may protocols na 10 days quarantine before going to the location, to the set. Tapos almost one month na naka-lock in...“ dagdag pa niya.
"Pero thankful lang din ako na mayroon na tayong FaceTime, Zoom, so updated pa rin ako, nakikita ko si Joaquin. Iyon 'yung inspiring kasi ginagawa ko naman 'tong work na 'to, pinagbubutihan ko para sa kanila."
TINGNAN ANG MASAYANG PAMILYA NI RODJUN CRUZ SA GALLERY NA ITO: