GMA Logo Rodjun Cruz
What's Hot

Rodjun Cruz, sinabihan ng netizen na lagi lang nagti-TikTok

By Cherry Sun
Published August 21, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz


“Baka ala nang project,” komento ng netizen tungkol kay Rodjun Cruz. Ano kaya ang naging reaksyon ng kanyang misis na si Dianne Medina? Alamin dito.

Dinepensahan ni Dianne Medina ang kanyang mister na si Rodjun Cruz matapos sabihin ng isang netizen na tila ang actress-host lang ang nagtatrabaho para sa kanila.

Rodjun Cruz and Dianne Medina

Kung bibisitahin ang kanilang Instagram accounts, mapapansing karamihan sa posts ni Rodjun ay TikTok videos samantalang puno naman ng litrato ng kanyang work-from-home set up ang kay Dianne. Marahil dahil dito kaya hindi naiwasang magkomento ng isang netizen.

Sa pinaka bagong post ni Dianne na ipinapakita ang kanyang work station sa bahay, nag-iwan ng komento ang isang netizen na may Instagram handle na @maribethlayon.

Pagpuna nito, “I noticed you're the only one who keeps working and your hubby is just doing TikTok everyday.”

Sinundan pa niya ito ng isang komentong nagsasabing baka ubos na ang proyekto ng Kapuso actor.

Rodjun Cruz and Dianne Medina

Agad namang dinipensahan ni Dianne ang kanyang mister.

Aniya, “My husband is working really hard for me and baby Joaquin. Hindi lang siya masyadong ma-post. Hehe.”

Dagdag pa niya, “May bayad TikTok niya and IG posts and he has a lot of endorsements. Humble lang kasi asawa ko.”

Rodjun Cruz and Dianne Medina

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Dianne ang kanyang unang anak kay Rodjun.

PANOORIN: Janine Gutierrez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Dianne Medina dance together on TikTok