
'Di maipagkakailang malapit ang showbiz siblings na sina Rodjun Cruz at Rayver Cruz sa isa't isa.
Kahit sa pagwu-workout at pagsasayaw ay magkasama ang dalawa kaya hindi rin maiwasan na makumpara ang magkapatid.
Pero sino nga ba ang mas hot kina Rodjun at Rayver?
Sagot ni Rodjun, “Mas hot si Rayver. 'Tsaka mas matangkad siya, 6'1” 'yun saka guwapo talaga 'yun.”
Dagdag ni Rodjun, masaya siyang maganda na mainit ang pagtanggap ng GMA kay Rayver at masaya rin daw ang kapatid niya sa mga proyekto nito sa Kapuso network.
Aniya, “Siyempre bilang kuya ni Rayver, sobrang happy talaga ako at proud ako dahil maganda 'yung shows ni Rayver.
“Proud ako diyan kasi napaka-talented at deserve niya lahat ng blessings na nakukuha niya ngayon. Nagmana siya sa kuya niya, almost two years.”
Looking forward daw si Rodjun na makatrabaho pa ang kapatid.
“Iba 'yung feeling kapag magkasama kaming dalawa, iba 'yung bonding namin may ginagawa kaming Magpakailanman episode pero magpinsan kami doon.”