GMA Logo Rodjun Cruz and Zeus Collins
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Rodjun Cruz, tinawag na 'one for the books' ang performance nila ni Zeus Collins

By Karen Juliane Crucillo
Published July 7, 2025 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Rodjun Cruz and Zeus Collins


Nagbigay ng papuri si Rodjun Cruz kay Zeus Collins matapos tanghalin bilang 2nd top dance star duo sa 'Stars on the Floor.'

Sa pangalawang linggo ng Stars on the Floor, nagpakitang gilas ang dance star duo na sina Rodjun Cruz at Zeus Collins sa kanilang contemporary dance performance na pinahanga ang dance authorities at mga manonood.

Itinanghal sina Rodjun at Zeus bilang 2nd top dance star duo, at punong-puno ng pasasalamat ang dalawa para sa isa't isa.

Sa Instagram, nag-post si Rodjun ng mga larawan kasama si Zeus at ng highlights ng kanilang performance. Pinuri din ni Rodjun ang kanyang ka-duo at nagpasalamat dito.

"Sheeeshhh. Congratulations sa atin, my brother!" bungad ni Rodjun sa kanyang post.

Pinuri ni Rodjun si Zeus at sinabing, "Isang karangalan na makasama ka sa dance floor! Husay mo! Salute!"

Dagdag pa nito, "One for the books yung duo performance natin. Napaka solid talaga!"

Nagbigay din ng pasasalamat si Rodjun sa kanilang coach na si Coach Angel para sa kanilang "napakagandang piyesa" at sa pagbibigay nito ng tiwala at tiyaga sa kanila.

Sa dulo ng kanyang post, nagpasalamat din siya sa dance authorities at sa kanyang buong Stars on the Floor family.

Sa comments section, sumagot si Zeus at nagpasalamat din kay Rodjun.

"Masaya ako nakasama kita sa dance floor. Pinapanood ko lang dati at humanga, ngayon nakasayaw ko pa. Salamat ng marami my brother, Rodjun," sabi nito.

Nagpakita din ng suporta ang kapatid ni Rodjun na si Rayver Cruz sa comments section.

"Idol, my champion!" sabi ng aktor.

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Sa isang online exclusive, inamin ni Zeus na na-miss niyang sumayaw sa TV at ngayon ay naging ka-partner pa niya ang kanyang iniidolo pagdating sa sayawan na si Rodjun.

Sina Thea Astley at JM Yrreverre naman ang itinanghal bilang unang top dance star duo noong pilot episode ng Stars on the Floor noong June 28.

Abangan pa ang mas pasabog na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, balikan dito ang pilot episode ng Stars on the Floor: