What's Hot

Rodjun Cruz’s ultimate courtship tip: 'Hangga't may pag-asa ka, laban ka lang nang laban'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 27, 2020 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) June 29, 2026 [HD]
Cebu town to ban phones among students starting June 29, 2026
Farm to Table: (June 28, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit taken na ang 'Seasons of Love' leading man na si Rodjun Cruz ay may mga tips pa rin siya sa mga manliligaw. 
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sa mga hindi nakakaalam, matagal nang taken si Kapuso hunk Rodjun Cruz ng kanyang longtime girlfriend na si Dianne Medina. Seven years nang nagsasama ang dalawa at going strong ang status ng kanilang relationship.
 
Dahil sa pagganap ni Rodjun sa character ng probinsyanong si Nono sa Seasons of Love, bumalik sa kanyang alaala ang panliligaw niya sa girlfriend.
 
“Ganoon din ako. Kapag may gusto akong babae, talagang hindi ko papakawalan 'yon kasi mahal ko [kaya’t] ipaglalaban ko,” paghahalintulad ni Rodjun sa paraan ng panliligaw ni Nono.
 
Dahil masaya na si Rodjun sa kanyang love life at hindi na niya magawang manligaw, magbibigay na lang daw siya ng tips sa panliligaw sa mga lalaking mayroong minamahal.
 
“Hanggang dulo, hangga't [may] pag-asa ka, laban ka lang nang laban para maipakita mo 'yung pagmamahal mo sa babae,” payo ni Rodjun.
 
Ayon kay Rodjun, kahit moderno na ngayon ay naniniwala pa rin siyang mas mabisa ang traditional na panliligaw. Aniya, “Ako naman ganoon pa rin naman ako, traditional. So siyempre kung kaya kong ligawan pati parents, gagawin ko. Siyempre kakausapin ko 'yung parents kung puwede kong makasama 'yung daughter nila.”
 
Ano-anong regalo ba ang dapat ibigay ng isang manliligaw? “Siyempre flowers para roon sa babae. Sa parents, kailangang may dalang food,” bahagi ng aktor.
 
Naniniwala raw si Rodjun na mas matagal mong niligawan, mas malalim ‘yung pagmamahal mo sa kanya. “Kasi minsan 'pag madalian, hindi naman love 'yon eh. Kasi kapag love mo 'yung isang tao, kailangan 'yung pinaghihirapan mo talaga. Ipinapakita mo kung gaano mo siya kamahal,” ani Rodjun.