GMA Logo Roi Lala and Antonio Vinzon
What's on TV

Roi Vinzon, may paalala sa mga anak tungkol pagkakaroon ng 'attitude' sa showbiz

By Jimboy Napoles
Published October 13, 2023 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Roi Lala and Antonio Vinzon


Isa si Roi Vinzon sa mga batikan na sa showbiz kaya may payo siya sa kaniyang mga anak na sina Lala at Antonio Vinzon.

Bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang batikang action star na si Roi Vinzon kasama ang kaniyang mga anak at Sparkle stars na sina Lala Vinzon at Antonio Vinzon.

Sa kanilang panayam kay Boy Abunda, tinanong ng TV host si Roi kung ano ang leksyon na natutunan niya sa industriya na maibabahagi niya kina Lala at Antonio na nagsisimula na ring gumawa ng career sa showbiz.

KILALANIN ANG ANAK NI ROI VINZON NA SI LALA VINZON DITO:

“Kung meron kang pagkakamali or better yet tawagin nating leksyon na ayaw mong pagdaanan ng iyong mga anak. Ano iyon?” tanong ni Boy kay Roi.

Makahulugan naman ang naging sagot ng batikang aktor. Aniya, “Kapag bata ka 'yung attitude mo iba. Ang attitude natin dapat baguhin talaga. Through the days, through years, nawawala, gumaganda 'yan. Sabi ko, inuunaahan ko na sila, 'Anything you do, attitude lahat.'”

Paliwanag ni Roi, mas mahalaga ang maging mabuti kaysa sa maging magaling.

“Kasi sa showbiz, hindi ka kukunin kapag masama ang ugali mo. Number one 'yun, 'Ay mahirap pakisamahan 'yan. Magaling? Maraming magaling tuturuan natin, puwede nating turuan 'yan. Walang masyadong pangalan? Bigyan natin ng pangalan,'” ani Roi.

Dagdag pa niya, “Kaya nandiyan pa rin si Tito Boy.”

“At nariyan pa rin ang inyong Papa,” dugtong naman ni Boy.

Samantala, nagbigay naman ng kani-kaniyang pangako sina Lala at Roi para sa kanilang mga magulang.

Ani Antonio, “Hindi ko sila bibiguin at itutuloy ko ang pangarap ko.”

Pahayag naman ni Lala, “Hindi ko maipapangako na magiging perpekto akong anak, pero habang buhay po akong sasandal sa kanila kahit kaya ko na ang sarili ko. Gusto kong iparamdam sa kanila 'yun na nandiyan pa rin sila [sa buhay ko].”

Samantala, mapapanood naman si Roi sa upcoming Kapuso action series na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.