GMA Logo The Love Knot
What's Hot

Romance fantasy na 'The Love Knot,' mapapanood sa GTV

By Marah Ruiz
Published April 21, 2021 10:27 AM PHT
Updated April 21, 2021 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTFRB: PUVs can operate once provisional authority is logged in online verifier
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

The Love Knot


Abangan sina Victoria Song at Johnny Huang sa romance fantasy series na 'The Love Knot,' malapit na sa GTV!

Isang love story across space and time ang aabangan sa Chinese romance fantasy series na The Love Knot.

Victoria Song and Johnny Huang

Kuwento ito ni Macy, isang pagkaraniwang intern sa magazine na maaatasang interbiyuhin si Gene Helan na isa namang antiques collector.

Hindi alam ni Macy na malalim pala ang koneksiyon niya sa misteryosong lalaki. Noong unang buhay kasi ni Macy, kinain ni Gene ang kanyang atay bilang lunas sa kanyang pagkabulag.

Si Gene ay isang 1,000-year-old alien fox na ipinanganak na may kakaibang kondisyon sa mata.

Sa unang pagkakailala pa lang nila, minahal na ni Gene si Macy sa pag-aakalang ito ang babaeng ipapakasal sa kanya.

Hindi niya alam na balak pala ng kanyang mga magulang na kunin ang atay ni Macy para gawing gamot sa kanya.

Dahil dito, ang bawat reincarnation ni Macy ay hindi mabubuhay ng lagpas 25 taong gulang.

Matapos ang ilang reincarnation, matatagpuan ulit ni Gene si Macy. Nais niyang itama ang kasalanang nagawa sa dalaga at matanggal ang sumpa rito.

Magtatagumpay kaya si Gene sa lifetime na ito? Muli ba nilang mababalikan ang kanilang dating pag-iibigan?

Ang Chinese singer at actress na si Victoria Song ang gaganap bilang Macy. Nakilala siya noon bilang miyembro ng K-pop girl group na f(x). Aktibo siya ngayong bilang aktres, singer at host sa China.

Si actor and model Johnny Huang naman ang gaganap bilang si Gene Helan.

Abangan ang kanilang supernatural love story sa The Love Knot, ngayong May na sa GTV.