
Isang exciting romance thriller ang hindi dapat palampasin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Abangan sina Alice Dixson at Aga Muhlach sa pelikulang Nuuk.
Gaganap dito si Alice bilang Elaisa, Pilipinong biyuda na nakatira sa malamig at balot ng yelo na bayan ng Nuuk sa Greenland.
Lulong si Elaisa sa alak at pills dahil kamamatay lang ng second husband niya at hindi pa maganda ang relasyon nila ng anak niya.
Makikilala niya ang kapwa Pilipino na nagtatrabaho sa Nuuk na si Mark, karakter ni Aga.
Magiging magkaibigan sina Elaisa at Mark at magkakamabutihan ng loob. Pero isang araw, bigla na lang maglalaho si Mark.
Ano ang nangyari dito? Abangan 'yan sa Nuuk, August 2, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Panoorin din ang ensemble drama film na Bamboo Flowers.
Mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at panulat ni Aloy Adlawan, ng inspirasyon ng pelikula ang bulaklak na namumukadkad lamang bago tuluyang mamatay ang isang kawayan.
Kuwento ito ng buhay ng iba't ibang tao sa Bohol na humaharap sa maraming pagbabago na nakakaapekto sa kanilang buhay.
Tampok sa pelikulang ito sina primetime action hero Ruru Madrid, Mylene Dizon, Max Collins, Irma Adlawan, Miggs Cuaderno, Barbara Miguel at marami pang iba.
Abangan ang Bamboo Flowers, July 31, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.