
Intense ang simula ng linggong ito sa pagdating ng Thai drama na Romantic Deception mamayang hapon sa GMA.
Abangan ang kumplikadong buhay nina Roy (Puen Khanin Chobpradit), Patty (Chippy Sirin Preediyanon), at Korina (Kat Trinnaya Morson) sa upcoming lakorn na ito.
Labis na nasaktan si Roy nang iwan at ipagpalit siya ng girlfriend na si Korina para sa kanyang ama na si Gerard.
Lalong tumindi ang galit ni Roy kay Korina nang maging primary suspect ito sa biglaang pagkamatay ni Gerard.
Nabuntong naman ang galit ni Roy sa nakababatang kapatid ni Korina na si Patty nang tumakas si Korina at sumama sa ibang lalaki.
Upang makuha ang kanyang mana ay napilitang magpakasal si Roy kay Patty na siyang matagal nang may lihim na pagtingin sa binata.
Paano mamumuhay sina Patty at Roy sa piling ng isa't isa? Sino nga ba ang pumatay kay Gerard?
Abangan sa Romantic Deception simula ngayong Enero 8, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 ng hapon sa GMA.