GMA Logo Romantic Deception on GMA
What's Hot

Romantic Deception Weekly Recap | Ang mga katanungan ni Roy

By Faye Almazan
Published March 8, 2024 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Romantic Deception on GMA


Noong nakaraang linggo sa 'Romantic Deception,' mas lalong naging curious si Roy sa kanyang nakaraan.

Napilitang manuluyan pansamantala sina Patty sa bahay ni Roy hanggang sa gumaling si Tan. Hindi naman niya napigilan na patagong kumuha ng family picture nilang tatlo habang natutulog sina Roy at Tan nang magkayakap.



Marami na rin ang mga katanungan ni Roy kay Patty tungkol sa tunay na koneksyon nilang dalawa sa nakaraan. Ayon pa kay Roy ay hindi niya naramdaman kay Pamela ang mga kasalukuyan niyang nararamdaman kay Patty.



Patuloy pa rin ang pagpapanggap ni Pam bilang asawa ni Troy. Pinuntahan pa ng nanay ni Pam si Patty upang magmakaawa na huwag na raw nito sirain ang buhay na binuo ni Pam.

Sinisi pa ng nanay ni Pam kay Patty ang mga masalimuot na pinagdaanan nito, maging ang kinaharap na aksidente ni Troy.



Sa isang pagtatagpo ay tinanong ni Roy si Patty tungkol sa pangalan at pamilya ng tatay ni Tan. aMuling iniwasan ni Patty ang mga tanong ni Roy at sinabing huwag itong mangialam sa mga isyu sa buhay nila ni Tan.



Ngunit nanaig pa rin ang katotohanan dahil sa isang tagpo ay nabuksan ni Roy ang cabinet kung saan nakatago ang marriage certificate nila ni Patty.

Dito ay hindi lamang niya nalaman ang katotohanan na kasal sila ni Patty, ngunit maging ang katotohanan na hindi sila kasal ni Pam sa mata ng batas.



Tutukan ang kapana-panabik na huling linggo ng Romantic Deception, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.