GMA Logo Romantic Deception on GMA
What's Hot

Romantic Deception Weekly Recap | Ang pagbabalik ni Korina

By Faye Almazan
Published February 1, 2024 7:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Romantic Deception on GMA


Sa linggong ito ng 'Romantic Deception' ay muling nagbalik si Korina at muling binago ang buhay nina Roy at Patty.

Hindi mapakali si Patty matapos niyang makausap si Korina na nanghihingi ng kanyang tulong. Napansin ito ni Roy at tinanong si Patty sa dahilan ng kanyang pagkabalisa.

Umamin naman si Patty at sinabing nangangailangan siya ng pera upang matulungan ang kanyang ate.

Tinagpo ni Patty si Korina upang iabot ang perang hinihingi nito, ngunit nais ni Patty na sabay nilang puntahan ang sindikatong sinasabi ni Korina na nang-iipit sa kanya.

Bigla namang dumating si Roy at tinangkang hulihin si Korina na tinangay ang pera. Nagtanim rin si Korina ng pagdududa sa isip ni Roy tungkol sa pagmamahal sa kanya ni Patty.

Samantala, makalipas ang ilang taon ay mag-isang tinataguyod ni Patty ang kanilang anak.

Muling nagtagpo ang landas nina Roy at Patty ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya maalala ng binata at namumuhay na ito sa ibang pangalan.




Abangan ang mas kapana-panabik pang mga eksena sa Romantic Deception, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.