
Tayo na't mag-celebrate ng Valentine's Day kasama ang digital channel na I Heart Movies.
Hatid nito ang ilang romantic films sa mismong araw ng mga puso.
Isa na diyan ang Finding Mr. Destiny na pinagbidahan ng sikat na South Korean actor na si Gong Yoo.
Gaganap siya dito bilang lalaking expert sa paghahanap ng first love ng kanyang mga kliyente.
Kasama niya sa pelikula ang aktres na si Im Soo-jung na gaganap bilang babaeng sinusubukang hanapin ang lalaking nakilala niya sa India noong kabataan niya.
Magtagumpay kaya sila kanilang misyon o may new feelings ba na uusbong?
Abangan ang romantic comedy na Finding Mr. Destiny, February 14, 6:00 p.m. sa Block Screening.
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Susundan 'yan ng romance drama film na All of You na pinagbidahan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.
Gaganap sila dito bilang longtime couple na nagkakilala sa dating app.
Noong una, mukhang very compatible naman sila. Pero matapos ang tatlong taon, unti-unti nang nagkakalamat ang kanilang relasyon kahit na pinagsisikapan nila itong isalba.
Huwag palampasin ang All of You, na ipalalabas sa February 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.