
Naging masaya ang reunion ng dating Ika-6 Na Utos co-stars na sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon sa set ng GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife.
May behind-the-scene moments na in-upload ang GMA Drama series online kung saan makikitang nakikipagkulitan si Gabby habang umaarte na cameraman at katabi si Ryza.
Gumanap noon bilang Rome sa Ika-6 Na Utos si Gabby Concepcion at kontrabida naman si Ryza Cenon na ang role ay si Georgia. Natapos ang Kapuso serye na ito noong March 2018.
Natutuwa naman ang netizens nang makitang nagkasama muli sina Rome at Georgia.
Uy, bawal ang FOMO (fear of missing out) sa panonood ng My Father's Wife! Tumutok Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m.
RELATED CONTENT: Then And Now: Photos of Gabby Concepcion that prove he ages like fine wine