GMA Logo Ronnie Liang
What's on TV

Ronnie Liang, mapapanood sa 'Binibining Marikit'

By Jansen Ramos
Published April 3, 2025 3:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ronnie Liang


Abangan si Ronnie Liang bilang Walter sa GMA Afternoon Prime series na 'Binibining Marikit.'

Paniguradong mas tututukan ang GMA drama series na Binibining Marikit dahil sa mga bagong karakter na papasok sa kwento.

Isa na riyan si Walter, na gagampanan ng "Ngiti" hitmaker at Sparkle artist na si Ronnie Liang.

Sa end credits ng episode ng Binibining Marikit noong April 1, may teaser tungkol sa karakter ng singer.

Dito mapapanood na inabutan ng isang sobre si Walter ni Mayumi, ginagampanan ni Pokwang.

Sa sumunod na eksena, mapapanood na may kausap sa telepono si Walter tungkol sa paggamit ng funds sa maling paraan na dapat para sa bahay-ampunan. Nakunan siya ng karakter ni Herlene Budol na si Ikit ng video at napansin ito ni Walter. Naging agresibo si Walter at hinabol si Ikit at sinakal.

Sa Instagram, ipinost ni Ronnie ang ilan niyang kuha mula sa set ng Binibining Marikit kasama ang mga bida ng serye na sina Herlene, Pokwang, Tony Labrusca, at Kevin Dasom.

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

A post shared by Ronnie Liang (@ronnieliang)

Abangan si Ronnie sa Binibining Marikit na mapapanood weekdays, 4:00 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.

Related gallery: 'Binibining Marikit' lead cast, nag-enjoy sa Japan