
Mas kapanapanabaik ang mga eksena sa sinusubaybayang K-drama na Room No. 9.
Sa nakaraang linggo ng Room No. 9, inamin ni Kelly kay Yuri na hindi si Ada ang pumatay kay Director Arnold Ma.
Ipinagtanggol din ni Kelly si Ada mula sa kanyang nobyo at sinabing hindi niya sinasalo ang umano'y krimeng ginawa ni Ada.
Ibinunyag naman ni Kelly na si Arjun ang tunay na pumatay kay Arnold matapos malaman ng binata na ang kanyang amang si Ben ay si Gabby Chu. Dito na nagsimulang kwenstiyunin ni Arjun ang kanyang pagkatao
Samantala, pilit na tinakasan ni Arjun ang pag-aresto sa kanya ng mga pulis.
Hinarurot niya ang kanyang motorsiklo pero nauwi ito sa aksidente.
Mapapanood ang Room No. 9 tuwing Sabado, 12:45 p.m., sa GTV.
Para sa iba pang updates tungkol sa Room No. 9 at iba pang GTV programs, bisitahin ang GMANetwork.com/GTV.