GMA Logo Roselle Nava and Rafa
What's on TV

Roselle Nava, proud sa talento sa pagkanta ng anak na si Rafa

By Maine Aquino
Published March 11, 2024 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Roselle Nava and Rafa


Ibinahagi ni Roselle Nava kung paano nakuha ni Rafa ang kaniyang talento sa pagkanta.

Isang proud na mommy si Roselle Nava sa kaniyang anak na si Rafa.

Ipinakita ni Roselle ang talento ni Rafa sa pagkanta nang bumisita sila sa Sarap, 'Di Ba? noong March 9. Dito, ibinahagi ni Roselle kung paano niya tinutulungan ang anak sa pag-develop ng talentong ito.

Kuwento ni Roselle, "Parang hobby niya mag-second voice, 'pag may naririnig siya na melody he would do the second voice. Okay naman kasi nagiging strong 'yung ear niya pero it's better pa rin na mapalakas niya 'yung melody of course kapag kumakanta siya."

Ayon kay Roselle gusto niyang isali ang anak sa singing contest ngunit marami pang distractions kay Rafa. Nagsimula lang mapamahal kay Rafa ang pagkanta nang napasali na siya sa isang singing contest.

"Ang gusto namin kasi since maraming distractions, may school also, aside from gadgets, social media, nakitaan namin siya ng talent pero hindi pa niya ganoon kamahal 'yung singing, so sayang. After joining the contest, parang nabuhay sa kaniya 'yung pagmamahal niya sa craft."

Wala naman daw pressure na naramdaman si Rafa sa pagkanta, proud pa nga raw siya dahil sa husay ng kaniyang ina.

"Not at all. I am proud pa nga e that I sang like my mom kasi ang galing niya."

Dugtong pa ni Rafa, "I used to copy for example The Greatest Showman mga ibang singers, but laging always mayroong tunog na sa mommy."

Kuwento ni Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel, kilalang national anthem ng mga bigo ang kanta ni Roselle na "Bakit Nga Ba Mahal Kita?" Tanong ni Carmina, ano ang advice niya kay Rafa sa future pagdating sa kaniyang love life?

Sagot ni Roselle, "Ako kasi I believe na before you can love somebody else, you have to love yourself first. Siguro 'yung ma-advice ko sa kaniya, okay lang magmahal ng sobra pero just make sure that you have something left pa rin para sa sarili mo."

Balikan ang episode na ito sa Sarap, 'Di Ba?