GMA Logo Roselle Nava, Tina Paner on Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Roselle Nava, Tina Paner sinagot kung mas madaling kumanta ng heartbreak kaysa love songs

By Kristian Eric Javier
Published March 13, 2026 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Office of the Ombudsman press conference (Mar. 13, 2026) | GMA Integrated News
Umento sa Pletehan, Gipanawagan sa mga Tricycle Driver sa Lapu-Lapu City | Balitang Bisdak
Farm To Table: Food adventure with Chef JR Royol and Susan Enriquez

Article Inside Page


Showbiz News

Roselle Nava, Tina Paner on Fast Talk with Boy Abunda


Saan nga ba nagpupunta ang hugot singers na sina Roselle Nava at Tina Paner kapag sila naman ang broken-hearted? Alamin dito:

Kilala bilang mga orihinal na reyna ng hugot songs, hindi na bago para kina Born to Shine stars Roselle Nava at Tina Paner ang kumanta ng mga awiting pang-broken-hearted.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, paano nga ba hinaharap nina Roselle at Tina kapag puso naman nila ang nasaktan?

Pag-amin ng dalawang batikang singers, hindi nila pinapakinggan ang sariling mga awitin kahit pa broken sila.

Ani Tina, “Ako, nasa loob lang ng room, nagkukulong ako, tapos makikinig ako sa ibang songs na malulungkot.”

TINGNAN ANG ILAN SA MGA BAGONG LOVE AND HEARTBREAK SONGS NG GMA PLAYLIST SA GALLERY NA ITO:

Tinanong din ng batikang host kung totoo ba ang paniniwala ng marami na mas madaling kumanta ng heartbreak song kaysa love song. Ayon kay Roselle at Tina, pareho lang naman ito para sa kanila.

“You just need to know the song that you're singing and then prepare for it kaya pareho lang siyang madali,” giit pa ni Roselle.

Sinabi niya rin na mas madali na lang para kanya ang kumanta ng heartbreak songs dahil ito na ang nakasanayan niya.

“But I also enjoy singing inspiring songs, parang feel good na mga songs na kapag narinig mo, 'Uy, nata-touch ako,'” saad pa ni Roselle.

Pagbabahagi naman ni Tina, “Basta ang importante, lagi kailangan, when you sing, it comes from the heart.”