
Nagsalita na ang content creator na si Rosmar Tan tungkol sa naging isyu nila ng aktres na si Inah de Belen na umani ng atensyon sa social media.
Sa panayam ni Rosmar kasama sina Rendon Labador at Jam Magno sa ToniTalks, ibinahagi ng content creator ang kanyang saloobin tungkol sa naging komento ni Inah laban sa kanya.
"Medyo slight lang naman po na pagpatol kasi medyo nasaktan ako kasi unang una sa lahat, hindi ko siya kilala. Wala akong ginawang masama sa kanya," sabi niya.
Inamin ni Rosmar na nasaktan siya nang sabihan siya ng "ew" ng aktres.
Dagdag pa niya, "Na wala ka namang ginawang masama sa tao, na tahimik ka lang pero makakatanggap ka ng ganon."
Ipinaliwanag din niya na sumagot lamang siya upang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil nasaktan siya.
"Siya 'yung nauna, pumatol ako. Ending, sa ibang tao, ako 'yung masama kasi pumatol ka e. Ang mindset nila, issue na naman," aniya.
Noong May, napagkamalan ng isang netizen na si Rosmar ang kasama ni Jake Vargas sa isang video, na si Inah pala.
Nagkomento naman si Inah na hindi niya kilala si Rosmar.
“Na-research ko na siya, plssss don't associate me with her, ew,” ani Inah.
Lalong uminit ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang sagutin ni Rosmar ang komento ni Inah sa social media.
“Kung maka 'ew' ka naman sa akin at di mo daw ako kilala. Nahiya naman ako sa'yo, Filipina actress nakalagay pero di rin naman kita kilala,” saad ni Rosmar.
Dagdag pa niya, “Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa TV kaysa sa'yo, ante. Kung maka 'ew' wagas, inaano ka?”
Kwinestiyon din ni Rosmar ang kasikatan ni Inah at ipinagmalaki ang dami ng kanyang followers bilang tugon sa pahayag ng aktres na hindi siya nito kilala.
“Kung maka 'ew' ka naman sa akin. Mas mukha ka pa ngang mom of three sa akin. At kung makasabi ka ng di mo ako kilala? Mas di kita kilala—saan ka lumabas? Hiyang-hiya naman sa'yo ang 30M total followers ko,” sabi niya.
“Kala ko di mo 'ko kilala? Pero sasabihan mo ako ng 'ew' at nakakabwisit? Okay lang sana na di mo ako kilala, pero anong ginawa ko sa'yo para sabihan mo ako ng 'ew'? Starlet na di pa nga sikat, attitude na agad. Pwe!" pahayag niya.
RELATED GALLERY: The beautiful Inah de Belen, daughter of Janice de Belen and John Estrada