
Simpleng buhay bilang mom of two sa Taiwan ang ipinakita ni Roxanne Barcelo sa kaniyang bagong vlog.
Sa kaniyang post, napanood na si Roxanne ay isang hands-on mom sa mga anak niyang sina Cinco at Theo. Si Cinco ay ipinanganak noong June 2021. Samantala, si Theo naman ay ipinanganak noong September 2022.
Kasama ni Roxanne sa kaniyang pag-grocery sina Cinco at Theo. Ipinakita pa niya kung paano maging productive ang kaniyang araw habang ipinapasyal ang mga anak. Dahil dito, umani ng papuri ang dating aktres mula sa mga sumusubaybay sa kaniyang vlog.
Ayon sa netizens, nakatutuwang makita na isang hands on mommy si Roxanne. May isa ring nagkomento na "supermom" si Roxanne.
PHOTO SOURCE: YouTube: Roxanne Barcelo
RELATED GALLERY: Meet Theo, the second baby of Roxanne Barcelo
Habang namamasyal inamin ni Roxanne na napaisip siya sa mga susunod niyang gagawin. Kuwento ni Roxanne sa vlog, "I was thinking while I was pushing the boys, what shall I do, just a thought what's next?"
Agad naman daw siyang nakakita ng sign, "I saw this very clear sign across the street, 'Grow your wisdom. Share your goodness.'"
RELATED GALLERY: Roxanne Barcelo is a stunning mom of two
Ipinakita pa sa vlog ni Roxanne na may tennis lessons sila ng kaniyang asawa na si Jiggs.
Saad ni Roxanne, "He's way more advanced I am starting from zero." Dugtong pa niya, "If I had fun while playing, that's my signal to keep going and keep learning."
Panoorin ang vlog ni Roxanne dito: