
Magtatambal ang Kapuso stars na sina Roxie Smith at Kimson Tan sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Ihaw at Ako," gaganap si Roxie bilang Cheche, proud owner ng popular na ihaw-ihaw stall sa isang malaking food park.
Si Kimson naman ay si Noah, apo ng may-ari ng lupa ng kinatitirikan ng stall ni Cheche.
Plano ni Noah na magpatayo ng isang mall sa lugar kaya isa-isa niyang pinapaalis ang mga maliliit na negosyo doon.
Para maisalba ang ihawan na minana pa niya sa lola niya, gagawin ni Cheche ang lahat--kahit pa paglaruan ang puso ni Noah.
Mahuhulog ba si Noah sa charms ni Cheche o tuluyan na ba siyang ma-e-evict mula sa food park?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Ihaw at Ako," November 9, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.