
Ang Kapuso stars na sina Roxie Smith at Prince Carlos and bibida sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Magpapakilig sila sa episode na pinamagatang "Dreamboy."
Si Roxie ay si Sheyn, isang dalagang hindi makalakad matapos ang isang aksidente.
Gaganap naman si Prince bilang Remboy, ang cute delivery rider na laging natatanaw ni Sheyn mula sa kanyang bintana.
Magiging inspirasyon ni Sheyn si Remboy at hihintayin niya ang pagdating nito araw-araw.
Hanggang sa isang araw, magde-deliver si Remboy ng flowers at chocolates para kay Sheyn.
Ito na ba ang chance nilang makilala ang isa't isa?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Dreamboy," October 20, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maari din itong mapanood via livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.