
Magdadala ng kilig sina Roxie Smith, Bruce Roeland, Sandro Muhlach, at Vince Maristela sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "What Boys Think," tungkol ito sa magpipinsan na ipapadala ng kanilang pamilya sa vacation home nila sa probinsiya bilang parusa sa mga kapilyuhan nila.
Si Sandro ang playboy na si Glenn, si Bruce naman ang gym addict na si Bernard, habang si Vince ang nerdy na si Patrick.
Makikilala nila rito si Jocelyn, ang karakter ni Roxie. Mahuhumaling sila sa ganda nito at magpupustahan kung sino ang makakabingwit sa kanya bilang girlfriend.
Ang hindi nila alam, isa palang mind reader si Jocelyn at alam kaagad niya ang balak nila.
Mapapaikot ba ng boys si Jocelyn o mauunahan sila nito?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang brand-new episode na "What Boys Think," April 6, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.