GMA Logo Roxie Smith para sa Shining Inheritance
What's on TV

Roxie Smith, honored na napabilang sa cast ng PH adaptation ng 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano
Published September 27, 2023 3:59 PM PHT
Updated August 29, 2024 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

i-Listen with Kara David: Wilma Doesnt opens up about beauty standards, forgiveness, and self-worth
Mga pailaw at dekorasyong pampasko, naging instant pasyalan | One North Central Luzon
Sweet Couple, naadik sa paggawa ng ONLINE CONTENT | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Roxie Smith para sa Shining Inheritance


Kabilang si Kapuso star Roxie Smith sa stellar cast ng upcoming Philippine version ng K-drama na 'Shining Inheritance.'

Mapapanood ang Kapuso actress na si Roxie Smith sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.

Huling napanood si Roxie sa kauna-unahang figure skating series ng bansa na Hearts On Ice bilang Monique.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Roxie sa naganap na story conference kamakailan, honored ang Fil-Belgian beauty na napabilang sa cast ng Shining Inheritance at masaya siya sa kanyang gagampanan na role.

Related content: Cast ng PH adaptation KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference

“Siyempre isang karangalan. I've been watching the show recently and napakaganda po. And sana malagyan namin ng twist of Pinoy and sana abangan din nila. Kung gaano nila minahal 'yung original, sana mahalin din nila ito. [I'm] very happy to get this role,” pagbabahagi niya.

Excited na rin si Roxie na makatrabaho ang kanyang co-stars sa serye, lalo na't mayroong mga batikang aktor sa cast.

Aniya, “Masaya. Some of them, naka-work ko na before and I was launched with Michael [Sager]. It's gonna be easy for sure to work kasi may relationship na. And for the others naman po like 'yung veterans, nakakatuwa kasi napapanood ko lang sila before. So I'm deeply happy and honored and ang babait nila. Nakaka-excite mag-trabaho.”

Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Makakasama rin sa naturang serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

Ang Shining Inheritance ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Jorron Lee Monroy.

Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA.