GMA Logo Roxie Smith
Photo by: Sparkle
What's Hot

Roxie Smith shares her inspiration to join showbiz

By Aimee Anoc
Published April 21, 2022 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Roxie Smith


Isa si Roxie Smith sa 17 young artists na ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan.

Excited na ang newbie actress na si Roxie Smith na maipakita ang talento at magbigay inspirasyon ngayong opisyal na siyang parte ng Sparkada.

Ang Sparkada ay binubuo ng 17 young artists na handpicked ng acclaimed star maker na si Mr. M at ni-launch ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan.

Sa kauna-unahang media interview ng Sparkada, ikinuwento ni Roxie ang inspirasyon kung bakit nais niyang maging isang aktres.

"Na-realize ko na sobrang gusto ko pong maging artista. Alam mo 'yung sobrang 'pag pangit ang araw mo, 'pag feeling mo guguho na 'yung mundo mo, bubuksan mo ang TV mo, papanoorin 'yung serye tapos parang nawala na ang lahat ng problema mo," sabi niya.

Dagdag ni Roxie, "'Yun 'yung saya na nabibigay ng isang artista. 'Yun 'yung nakikita kong para siyang service and that's how I want to live my life. Live my life of service. Gusto kong magpasaya ng tao sa pag-aarte."

Bago pa man mapabilang sa Sparkada, una nang nakita si Roxie sa teatro, mga commercial, at beauty pageants. Sa katunayan, siya ang kinoronahang Miss Earth Philippines noong 2020.

"Bago po ako mag-audition sa Sparkle, I was actually discovered through pageantry. I was also into commercial, doon po ako na-develop. And nag-teatro rin po ako," pagbabahagi ng newbie actress.

Samantala, mas kilalanin pa ang ibang Sparkada artists sa gallery na ito: