
Kasalukuyang napapanood ang Kapuso actress na si Roxie Smith sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.
Binibigyang-buhay niya ang role na Aimee Vergara, ang anak ni Lani (Glydel Mercado) at stepsister nina Inna (Kate Valdez) at Nono (Seth Dela Cruz), sa naturang serye.
Sa Instagram, ibinahagi ni Roxie ang isang clip mula sa ikalawang episode ng Shining Inheritance at aniya'y isa ito sa kanyang favorite scenes sa show. Kuwento pa ng beauty queen-actress, niyakap niya si Kate Valdez matapos kuhanan ang kanilang eksena.
“One of my favorite scenes and this was filmed on my 2nd day on set last year. I remember hugging @valdezkate_ that night after the scene was taken. I kept smiling out of gratefulness and was just so glad I was there playing the part. I was all bruha (haha) and giddy and I loved every bit of it,” sulat niya sa caption.
Mapapanood sa naturang eksena ang pag-aaway sa pagitan nina Inna at Aimee nang depensahan ng una ang kanyang nakababatang kapatid mula sa huli.
Subaybayan ang Shining Inheritance tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Meet the stellar cast of the Philippine adaptation of 'Shining Inheritance'