
Matapos na makakuha ng 11.4 percent noong Martes (July 18), mas tumaas pa ang ratings ng Royal Blood na pumalo sa 11.6 percent noong Huwebes (July 20), ang pinakamataas nitong ratings to date.
Patuloy na dumarami ang nag-aabang sa mas tumitinding mga eksena at rebelasyon sa Royal Blood, ngayong sinimulan na ni Napoy (Dingdong Dantes) ang paghahanap sa pumatay sa amang si Gustavo Royales (Tirso Cruz III).
Grabe namang introduction yan! 🔥🔥🔥 Intro pa lang toh nag liliyab na 🖤💛#RBMargaretsSecret #RoyalBlood https://t.co/7v2s2KkUj6
-- ystarhreerai 🩷🌷ᴿᵒʸᵃˡⁱˢᵗᵃ👑ᵛᵛˡ ⁿᵃʲᵐⁱ💜✨ (@ystarhreerai_) July 20, 2023
So? She admitted her guilt? 🧐#RBMargaretsSecret https://t.co/VJRzoHyUjU
-- 🌌 (@harafilipina) July 20, 2023
Wala pa naman napapatunayan wag muna mag saya B.#RBMargaretsSecret
-- CybeRhians Official (@CybeRhians) July 20, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales https://t.co/llO2Q8H7JX
Naku daming alam ni Manang Cleofe baka may secret reveal ka din huh...@whianwamos
-- Joy (Rambo❤Rhian) (@joygaddi90) July 20, 2023
#RBMargaretsSecret
Rhian Ramos | Margaret Royales https://t.co/XXOQRF3DZc
I think, Beatrice planted the pearl earring sa garden/gazebo? #RBMargaretsSecret https://t.co/hQnGsNVbbH
-- 𝐉𝐨𝐬𝐡𝐚𝐛𝐞𝐥 🌻✨ (@Jshbl_) July 20, 2023
Masyado talaga akong napapaisip sa secret ni Margaret. Nagkaanak kaya siya ka Efren!?#RBMargaretsSecret
-- Whian Denise (@whiandenise) July 20, 2023
Rhian Ramos | Margaret Royales https://t.co/h8bDU5gCSi
Sa episode 24 ng Royal Blood, nalaman na ni Margaret (Rhian Ramos) ang ginagawang pag-iimbestiga sa kanya ni Napoy. Dahil dito, hindi naiwasang magkainitan ang magkapatid sa harap mismo ng burol ng kanilang amang si Gustavo.
Sa kabila ng galit sa kanya ni Margaret, patuloy na inimbestigahan ni Napoy kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa dati nitong kasintahan na si Efren Oyos (Migs Villasis), na base sa sinabi ni Cleofe (Ces Quesada) ay may kinalaman si Gustavo sa pagkamatay nito.
Kahit na nabigong makakuha ng impormasyon mula sa kapatid ni Efren na si Epifania (Trish Leonor), hindi tumigil si Napoy sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng matinding galit ni Margaret sa ama.
Dahil sa nangyayari sa kanila ni Napoy, humingi naman ng tulong si Margaret kina Kristoff (Mikael Daez) at Beatrice (Lianne Valentin) na mapaalis na si Napoy sa mansyon. Pero tumanggi rito si Beatrice.
Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: