GMA Logo Royal Blood
What's on TV

'Royal Blood' viewers suspect Beatrice is Gustavo's killer; ranks highest at suspect's poll

By Aimee Anoc
Published August 7, 2023 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Sa inyong palagay, sino ang tunay na pumatay kay Gustavo?

Nangunguna si Beatrice, na ginagampanan ni Lianne Valentin, sa mga pinaghihinalaan ng Royal Blood viewers na pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III), base ito sa isinagawang poll ng Royal Blood sa ikapitong linggo nito.

Sa inilabas na official poll results ng Royal Blood noong Biyernes (August 4), nangunguna si Beatrice na may 24.7 percent vote, na sinundan ni Cleofe (Ces Quesada) na nakakuha naman ng 14.7 percent vote.

Pumangatlo sa poll si Diana (Megan Young) na mayroong 11.1 percent vote at pang-apat naman si Tasha (Rabiya Mateo) na nakapagtala ng 8.91 percent vote. Sumunod na sa listahan sina Napoy (Dingdong Dantes), Anne (Princess Aliyah), Andrew (Dion Ignacio), Kristoff (Mikael Daez), Emil (Arthur Solinap), at Margaret (Rhian Ramos).

Sa ikapitong linggo ng Royal Blood, matapos na lumabas ang katotohanan na inosente si Napoy mula sa video na ibinintang sa kanya ng mga kapatid at inosente rin si Margaret sa nangyaring pagtuklaw ng ahas niya sa kabayong sinasakyan ni Gustavo, sunod na pinaghinalaan ni Napoy sa pagkamatay ng ama si Beatrice.

Suspetsa ni Napoy na may kinalaman sa pagkamatay ng amang si Gustavo ang pagkalason ng kasambahay na si Marta. Mas naghinala ang una na si Beatrice ang may kagagawan sa pagkalason ni Marta dahil sa tsekeng natagpuan sa kwarto ng huli na nanggaling dito. Pero pagtanggi ni Beatrice na ipinahiram lamang niya ang perang ito kay Marta.

Nakapagtataka pa rin hanggang ngayon kung saan nanggaling ang kemikal na nakalason kay Marta, ang ethylene glycol, isang kemikal na ginagamit na pampalamig sa air conditioning units, freezers, at sasakyan para hindi mag-overheat.

Natagpuan ng mga pulis ang kemikal na ito sa wine na ininom ni Marta, na kapareho rin ng wine na ininom ni Gustavo noong gabing mamatay ito. Kaya hinala ni Napoy na maaaring nilason din ang ama nito.

Sa inyong palagay, sino kaya ang tunay na pumatay kay Gustavo? Sagutan ang poll dito.

Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.