GMA Logo Royal Blood
Photo by: GMA Network
What's on TV

'Royal Blood' world premiere, mapapanood na mamaya sa GMA Telebabad!

By Aimee Anoc
Published June 19, 2023 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Narito na ang murder mystery drama na 'Royal Blood!' Abangan ang pilot episode nito mamayang 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood na mamaya ang pinakamalaking murder mystery series sa primetime, ang Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Makakasama sa star-studded na cast sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos, at ang natatanging pagganap ni Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales. Kasama rin dito sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.

Iikot ang Royal Blood sa kuwento ni Napoy (Dingdong Dantes), illegitimate child ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at isang mapagmahal na single father sa anak na si Lizzie (Sienna Stevens). Nagsisikap siyang maibigay ang pangangailangan ng anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat sa kanya nang maging prime suspect siya sa pagkamatay ng ama.

Panoorin ang full trailer ng Royal Blood sa video na ito:

Huwag palampasin ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.

NARITO ANG ILANG DAHILANG NABANGGIT NI DINGDONG DANTES KUNG BAKIT NGA BA NIYA TINANGGAP ANG ROYAL BLOOD: