
Nagpakitang-gilas muli sina Royce Cabrera at Jasmine Curtis-Smith ng kanilang talento sa entablado para sa stage play adaptation ng 2007 Cinemalaya hit film na Endo.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel noong Biyernes, April 10, ibinahagi ng Kapuso stars ang kanilang saya sa pagbabalik-teatro.
“Ang sarap ng naririnig mo 'yung live na tawa or 'yung mga malulungkot na part. Maririnig mo silang 'awww',” sabi ni Jasmine.
Dagdag pa niya, “Worth it lahat ng puyat at pagod.”
Samantala, mas naging inspirado sa pagpe-perform si Royce dahil sa kuwento ng kanilang stage play.
“Nakadagdag 'yun sa akin talaga kahit ganito inaabot ng boses ko. Laban,” bahagi ng aktor.
Inamin ng dalawa na mas nakadagdag ng inspirasyon sa kanila ang stage play dahil nakaka-relate sila sa istorya nito, lalo na sa trabaho na per project basis. Naihalintulad din nila ang kuwento sa kasalukuyang sitwasyon, partikular sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Mapapanood ang Endo mula April 10 hanggang May 10 sa PETA Theater Center.
Samantala, patuloy na mapapanood si Jasmine Curtis-Smith sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV bilang isa sa celebrity dance stars.
RELATED GALLERY: Sparkle stars show support for Royce Cabrera in theater adaptation of 'Endo'