GMA Logo Royce Cabrera, Lai Austria
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Royce Cabrera at Lai Austria, napalaban sa laughtrip na food trip

By Dianne Mariano
Published June 24, 2026 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chot Reyes calls for healing, end to speculations following Rene Baterbonia, Divine Adili deaths
Davao City 911 Team, mibalik na human ang response mission I One Mindanao
Animated adaptation of 'Zsazsa Zaturnnah' earns standing ovation in France

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera, Lai Austria


Sumalang sina Sparkle star Royce Cabrera at Lai Austria sa “Isubo mo, Kakainin Ko" challenge ng 'TBATS On The Go!'

Napuno ng tawanan at kulitan ang Sunday night ng mga Ka-TBATS dahil sa sayang hatid nina Boobay at Tekla sa TBATS On The Go!

Sa nakaraang episode ng naturang comedy show, mas level up ang kulitan dahil nakasama ng comedy duo sina Royce Cabrera at Lai Austria. Napanood ang guest stars sa "Isubo mo, Kakainin Ko," kung saan dalawang teams ang naglaban: ang Team Royce at Team Lai.

Para sa nasabing laro, habang nakaupo ang isang team member ay susubuan sila ng kanilang teammate na nakatayo at mayroon pa itong twist. Ang team member na nakatayo at magsusubo ay naka-blindfold.

Napasabak din mismo sina Royce at Lai sa laughtrip na food trip at napakain sila ng Bicho-Bicho at Pakwan. Sa huli, nagwagi ang Team Lai dahil nakakuha sila ng 135 points.

Balikan ang nakaraang episode ng TBATS On The Go! sa video na ito.

Subaybayan ang TBATS On The Go! tuwing Linggo, 10:00 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.

Related gallery: Hot facts about Sparkle hunk Royce Cabrera