
Sina Kapuso actors Royce Cabrera at Neil Ryan Sese ang bibida sa bagong episode at special Father's Day presentation ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode ng pinamagatang "Paano Ba Maging Isang Ama?" gaganap sina Royce at Neil bilang mag-amang hindi magkasundo.
Si Neil ay si Manuleng, isang mapang-abusong ama. Si Royce naman ang anak niyang si Jason na madalas makaranas ng pananakit mula sa kanya.
Ngayong magiging ama na rin si Jason, sino ang pamamarisan at hihingan niya ng gabay kung hindi naging mabuting halimbawa ang sarili niyang ama?
May pag-asa pa bang magkapatawaran sina Jason at Manuleng?
Bukod kina Royce at Neil, bahagi rin ng epsisode sina Sherilyn Reyes-Tan, Vanessa Peña, Brent Valdez, Zonia Mejia, at Angel Leighton.
Abangan ang brand-new episode at special Father's Day presentation na "Paano Ba Maging Isang Ama?," June 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.