
Ipapamalas ng Kapuso stars na sina Royce Cabrera at Rita Daniela ang kanilang natatanging pagganap sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa napapanahong episode na pinamagatang "Ang Huling Paalam," bibigyang-buhay nila ang kuwento ng isang pamilya na sisirain ng sugal.
Si Royce ay si Steve, lalaking malululong sa sugal. Gaganap naman si Rita bilang Joan, ang supportive niyang asawa.
Anong pagsubok ang dala ng pagsusugal ni Steve sa kanilang pamilya? Hanggang kailan pagtitimpian ni Joan ang bisyo ng kanyang asawa?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Huling Paalam," October 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.