What's on TV

Royce Cabrera, gaganap bilang adult performer sa bagong episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published April 5, 2024 4:09 PM PHT
Updated April 6, 2024 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anne Curtis does not accept Cong. Suntay's 'non-apology'
DOH urges caution vs. rabies despite fewer cases in early 2026
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera in Hubad na Anak


Bibigyang-buhay ni Royce Cabrera ang kuwento ng isang adult performer sa bagong episode ng '#MPK.'

Isang natatangging pagganap ang matutunghayan mula sa Kapuso actor na si Royce Cabrera sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang adult video performer sa episode na pinamagatang "Hubad na Anak."

Gaganap si Royce bilang Junjun, lalaking nangangarap maging isang flight attendant.

Nang mamatay ang kanyang ama at makulong ang kanyang kapatid, siya na mag-iisang mag-aalaga sa nanay niyang may colon cancer.

Dahil sa kakulangan ng pera, mapipilitan si Junjun na pumasok sa mundo ng adult videos para masigurong maipagpapatuloy ang pagpapagamot ng kanyang ina.

Paano na ang pangarap ni Junjun? Makakaalis pa ba siya sa mundo ng pornography?

Makakasama ni Royce sa episode na ito sina Jean Saburit, Kimson Tan, Kirst Viray, Prince Clemente, at Angel Leighton.

Abangan ang brand new episode na "Hubad na Anak," April 6, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: