GMA Logo royce cabrera
What's on TV

Royce Cabrera, ikinararangal na naging bahagi ng 'Nagbabagang Luha'

By Jansen Ramos
Published October 24, 2021 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

royce cabrera


Si Royce Cabrera ang gumanap sa karakter ni Sherwin Barzaga, isa sa mga kontrabida sa 'Nagbabagang Luha.'

Tatlong buwang nagpainit sa hapon ng mga manonood ang GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha dahil sa matitinding eksena nito.

Bukod sa karakter ni Claire Castro na si Cielo, kinainisan din sa telebisyon ang karakter ni Sherwin.

Si Sherwin ang drug dealer na nobyo ni Claire, na nag-impluwensiya sa dalaga na gumamit ng bawal ng gamot.

Ang karakter na ito ay ginampanan ni Royce Cabrera, na unang nakilala bilang BL actor.

Sa pagtatapos ng Nagbabagang Luha, kinuha ng aktor ang pagkakataon na pasalamatan ang kanyang mga nakatrabaho at nagtiwala sa kanya na gumanap sa kontrabida role na iyon.

Ani pa ni Royce, "isang karangalan po ang makatrabaho kayong lahat at gampanan ang karakter ni Sherwin Barzaga."

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)

Ang Nagbabagang Luha ang unang full-length series ni Royce sa GMA Network matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong December 2020.

Ito ang reunion project ni Royce at direktor ng serye na si Ricky Davao, na co-star niya sa popular na Cinemalaya movie na Fuccbois (2019).

Samantala, kilalanin ang iba pang BL actors na nagpakilig sa mga manonood dito: