
Matapos pahangain ang lahat sa mahusay na pagganap sa Widows' War, muling mapapanood si Kapuso actor Royce Cabrera sa GMA's first Viu Original series na SLAY.
Sa SLAY, makikilala si Royce bilang Juro, ang detective na maa-assign sa kaso ng pagkamatay ni Zach.
Sa naganap na media conference ng Viu Original para sa SLAY, nagbigay ng ilang detalye ang concept creator ng serye na si RJ Nuevas tungkol sa karakter na pagbibidahan ni Royce.
"Dito, aside from being a detective, mayroon din siyang past, tapos mayroon din siyang koneksyon kay Zach (Derrick Monasterio) kaya niya iniimbestigahan," sabi ni RJ.
"May deep reason siya for investigating. Tapos magkakaroon ng twist sa gitna. Magkakaroon din ng kind of twist sa dulo.
"Pero 'yung role ni [Royce] as Juro, naghahanap siya parati ng justice for Zach kahit unti-unti niyang matutuklasan na si Zach is an asshole. Para sa kanya, asshole ka o mabait ka, you deserve justice kapag ikaw ay pinatay," dagdag niya.
Makakasama ni Royce sa SLAY sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv, maging ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio bilang Zach.
Ilan pa sa mahuhusay na artista na makakatrabaho niya sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.
Mapapanood na ang SLAY sa Viu Original ngayong March 3 at sa GMA Prime simula March 24.
Panoorin ang full trailer ng Viu Original para sa SLAY sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: