
Maraming viewers ang talaga namang sumubaybay sa katatapos lang na murder mystery drama na Widows' War.
Isa sa mga paborito nila sa serye ay ang karakter ng Sparkle heartthrob na si Royce Cabrera.
Napanood si Royce sa palabas bilang si Jerico na unang nakilala bilang isang household staff at kalaunan ay nakilala naman bilang isa sa miyembro ng pamilya Palacios.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Kapuso actor, nag-iwan siya ng goodbye at thank you message para sa lahat ng tumutok sa serye.
Mensahe niya sa viewers, “Maraming-maraming salamat po sa inyo. Sobrang na-appreciate po namin 'yung pagsubaybay ninyo sa amin.”
Kasunod nito, pinasalamatan din niya ang mga tagahanga ng kanyang karakter.
“Ako personally, ang experience ko kapag lumalabas ako ng [bahay], tinatawag nila akong Jerico. Minsan tuloy nakakalimutan ko, ako pa ba si Royce ganyan,” sabi niya.
Pahabol pa ni Royce, “[Sa viewers], isa kayo sa dahilan kung bakit namin napaganda rin ang palabas.”
Bago ipinalabas ang last episode, matatandaang nabunyag na si Jerico ang mastermind ng mga patayan sa hit series.
Samantala, ang Widows' War ay pinagbidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
RELATED CONTENT: 'Widows' War', ginulat ang viewers sa pasabog na finale