GMA Logo Royce Cabrera
What's on TV

Royce Cabrera, naging biktima ng 'ghosting?'

By Dianara Alegre
Published March 3, 2021 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

De Lima files bill to improve free Tertiary Education Law
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera


Naranasan na kaya ni 'My Fantastic Pag-ibig: Ghosted' actor Royce Cabrera ang maging biktima ng 'ghosting?'

Tampok si Kapuso hunk Royce Cabrera sa two-part weekly series na “Ghosted,” ang third installment ng romance-fantasy series na My Fantastic Pag-ibig, kung saan katambal niya si Kapuso cutie Ella Cristofani.

Sa series, gumaganap si Royce bilang si Gio, ang notorious heartbreaker na mahilig mang-“ghost” ng mga nakakarelasyon niya.

Source: Royce.cabrera (Instagram)

Pero naranasan na kaya niya ang maging biktima ng “ghosting?”

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa award-winning actor, ibinahagi niyang hindi pa raw niya naranasang ma-“ghost.”

“Ay hindi po. Kasi kumbaga para sa akin kasi ayokong gawin sa iba 'yung gagawin din sa 'kin. Parang hindi rin maganda kaya hindi ko ginagawa 'yon para hindi gawin sa 'kin,” aniya.

Kung hindi pa niya nararanasang ma-“ghost,” nagawa na kaya niyang mang-“ghost” in the past?

“Sa tingin ko hindi ko pa naman po nararanasan, hindi ko pa rin naman nagagawa so far,” lahad niya.

Source: Royce.cabrera (Instagram)

Dahil sa iba't ibang isyung pinagpyestahan online ay naging matunog ang terminong “ghosting” o ang makabago o slang na tawag sa mga taong bigla na lamang hindi magpaparamdam sa kanilang mga karelasyon.

Ano naman ang opinyon ni Royce tungkol sa “ghosting?”

“Kasi ngayon po talaga sa generation natin medyo komplikado na talaga ngayon kasi may social media, ang dami ng digital platform na pwede kang [magkaroon] ng instant partner kaagad kahit nag-o-online lang kayo,” aniya.

Dagdag pa ng aktor, “Dahil sa bilis ng teknolohiya natin ngayon, parang ganun din kabilis 'yung mga emotion natin pagdating sa partner natin sa buhay o sa ibang ginagawa natin.

“Medyo hindi rin siya maganda na nangyayari siya ngayon pero dahil nga sa technology natin, minsan talaga hindi natin maiiwasan lalo na dumadami 'yung mga temptation kaya nagiging ganun na 'yung nangyayari.”

Bukod kina Royce at Ella, na gumaganap bilang si Sunshine, ang masipag na online seller na laging biktima ng “ghosting,” kasama rin sa cast ng mini-series sina Phillip Lazaro, Long Mejia, Sue Prado, at Benedix Ramos.

Panoorin ang ikalawa at huling episode ng My Fantastic Pag-ibig: Ghosted ngayong Sabado, March 6, 7:30 p.m, sa GTV!

Kilalanin ang buong cast ng serye sa gallery na ito: