
Magkahalong kaba at tawa ang naging reaksiyon ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera nang sumabak sa Lutong Bahay segment na “Kitchen-terrogate” at tanungin ni Mikee Quintos ng nakakaintrigang
“Magbigay ka ng pangalan sa isa sa mga intimate scenes na nagawa mo [na] nagkaroon ka talaga ng totoong feelings,” hamon ni Mikee kay Royce.
Bagama't nagdalawang-isip, game namang sinagot ni Royce ang tanong at sinabing, “Siguro 'yung ano, 'yung eksena namin ni Miss Yayo [Aguila] doon sa [F#*@bbois].”
“Kasi ang tagal nun eh. Kung mapapanood mo, ang tagal nun, parang two minutes naming ginawa 'yung scene na 'yun,” paliwanag ni Royce. “So parang sa tagal, parang alam mo 'yun, nawala na kami sa eksena… Kumbaga ginawa na namin ['yung scene] na parang 'ito na' para lang tuloy-tuloy na kasi walang cut eh.”
“With all due respect kay Miss Yayo,” dagdag ni Royce.
Ngayong Pasko, isa na namang masterpiece ang kabibilangan ni Royce sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng GMA Pictures na Green Bones sa direksiyon ni Zig Dulay. Pinagbibidahan ito nina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Makakasama rin ni Royce dito sina Alesandra de Rossi, Wendell Ramos, Michael de Mesa, Ronnie Lazaro, Mikoy Morales, Gerhard Acao, Raul Morit, Sienna Stevens, Sofia Pablo, Victor Neri, Kylie Padilla, Ruby Ruiz, Pauline Mendoza, at Enzo Osorio.