
Ibinahagi ng Makiling actor na si Royce Cabrera ang kanyang naging pagsisimula sa showbiz kung saan nagsimula rin siya sa pag-e-extra.
Sa pagbisita ni Royce sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong siya ng batikang TV host kung ano ang “craziest thing” na ginawa niya para sa kanyang career.
Ayon kay Royce, ito ay nang maghintay siya ng buong araw sa labas ng isang convenience store sa tabi ng GMA Network para sumalang bilang talent. Pero ang ending, hindi pala siya kasama sa listahan ng extra.
Aniya, “Ako po, siguro craziest thing, Tito Boy, 'yung naghintay po ako dito, halos isang buong araw sa may 7-Eleven po dito sa baba. Kasi nag-ano po ako nun talent-talent po ako nun. So, parang hintay lang akong service. Hanggang sa parang hindi na pala ako naisama sa lineup.”
“Tapos naghintay lang ako dun kasi, syempre, gusto ko mag-artista. Kahit daan lang sa likod, okay lang 'yan. D'yan nagsisimula 'yan. So, hintay po ako buong araw. Ta's 'di pala ako kasama po sa listahan,” masayang kuwento ni Royce.
RELATED GALLERY: All the times Royce Cabrera proved that he's a great actor
Isa sa tumatak na proyekto ni Royce ay ang independent film na Fuccbois (2019), kung saan nakasama niya ang kanyang kaibigan at kapwa aktor na si Kokoy De Santos.
Kamakailan, nakatanggap din ni si Royce ang award na Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang drag queen sa episode ng Magpakailanman o #MPK na pinamagatang “Born to be a Queen: The Edwin Luis Story.”
Subaybayan naman si Ren bilang si Ren sa Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime