
Ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroon mga tradisyon na ginagawa para mas gawing espesyal ang Pasko tulad na lang ni Kapuso singer at actor Royce Cabrera.
Sa isang 24 Oras report noong Martes, December 23, masayang ikinuwento ni Royce ang tradisyon na hindi mawawala sa kaniyang pamilya tuwing Pasko — ang videoke.
“Hindi mawawala sa atin 'yan (videoke),” ani Royce.
Biro pa ng aktor, “Alam mo 'yung after mong bumeso, [sasabihin mo] 'isalang mo na 'yung kanta ko.”
RELATED GALLERY: ALL THE TIMES ROYCE CABRERA PROVED HE IS A GREAT ACTOR
Bukod sa videoke ay nakagawian na raw ng kanilang pamilya na bumisita sa iba't ibang lugar sa bansa.
Kuwento niya sa 24 Oras, “Iyon 'yung tradisyon namin every year. Magkakasama kami tuwing Christmas, and then out of town at mag-rent ng private resort.”
Panoorin ang 24 Oras report sa video sa ibaba:
RELATED GALLERY: KAPUSO CELEBRITIES SHARE CHRISTMAS PLANS