GMA Logo Royce Cabrera
What's on TV

Royce Cabrera, pinarangalan sa 7th GEMS Awards para sa kanyang role sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published January 17, 2023 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera


Pinarangalan si Royce Cabrera sa 7th GEMS Awards para sa kanyang role bilang drag queen sa isang episode ng '#MPK.'

Isang parangal ang natanggap ni Kapuso actor Royce Cabrera matapos ang isang natatanging pagganap niya sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Binigyang-buhay ni Royce ang kuwento ng drag queen na si Edwin Luis sa episode na pinamagatang "Born to be a Queen: The Edwin Luis Story."

Mula sa pagiging in-demand performer sa mga drag show sa Japan, malululong sa droga si Edwin.

Dahil sa kanyang mahusay na pagganap, natanggap ni Royce ang parangal para sa Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards.

Ang GEMS (Guild of Educators Mentors and Students) Hiyas ng Sining ay isang grupo na kumikilala sa katangitanging alagad ng sining sa larangan ng panulat, digital, tanghalan, radio, telebisyon at pelikula.

Bukod kay Royce, pinarangalan din bilang TV Station of the Year ang GMA 7.

Panoorin ang award-winning performance ni Royce sa episode na pinamagatang "Born to be a Queen: The Edwin Luis Story" dito:

Samantala, patuloy na mapapanood ang tunay ng kuwento ng mga tunay na tao sa #MPK o Magpakailanman tuwing Sabado, 8:00 p.m. sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes nito sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.